Ano ang special talent mo?
Philosophy | Capitalism Magazine 906 × 600 Search by image Kaya kong magkunwari sa harap ng maraming tao. Kaya kong ngumiti kahit na durog na durog na ko. Kaya kong maging malakas kahit hinang-hina na ko, kasi mapagpanggap ako. Nagpapanggap lang naman ako. Nagpapanggap na maging bato kahit na ang totoo, isa na lamang akong salaming basag na nagkanda pira-piraso. Hindi mo naman kasi magawang pulutin ako Pag ikaw nabubog, ewan ko na lang sayo. May isa pa, kaya ko rin matulog nang basa ang unan ko. Ay mali, hindi nga pala ko natutulog kasi kaya kong magpuyat at manatiling mulat. Mulat sa kahibangan ko. Sa kahibangan na kailanman hindi magiging katotohanan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kaya kong maging "siya" sa harapan mo. Kung gusto mo naman, kaya ko rin maging payaso. Teka nga muna, bago ko makalimutan, kaya ko rin pa lang maging hangin at istatwa sa tabi mo. Kaya kong maging sandalan kung kinakailangan. Kung hindi mo naitatanong, kaya ko rin m...